Iniutos ng Court of Appeals (CA) ang pagsasampa ng demanda sa ilang executives ng Kentex Manufacturing Corp.

(Kentex) sa trademark infringement matapos mag-alok at magbenta ng mga tsinelas na diumano’y kopya ng “Havaianas” sandals.

Ibasura ng CA ang motion for reconsideration (MR) ng Kentex sa kabiguang magpresinta ng mga bagong argumento na magagarantiya ng pagbaligtad sa naunang desisyon.

Sa dalawang pahinang resolusyon na may petsang Marso 15, 2016, isinulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando at inilabas noong Biyernes, kinatigan ng Fifth Division ng CA ang naunang findings at pinagbigyan ang petition for review na inihain ng Sao Paola Alpargatas S.A. (SPASA).

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Binaligtad at isinantabi ng CA ang mga resolusyon ng Department of Justice (DoJ) na may petsang Mayo 28, 2013 at Disyembre 5, 2013 na nagpapawalang-sala sa Kentex.

“After a careful perusal of private respondent’s arguments, we find that the latter have not advanced any compelling reason that would warrant the reconsideration of our decision,” saad sa resolusyon ng CA.

Ang SPASA ay isang kumpanya na nakabase sa Brazil, at registered owner ng trademark na “Havaianas” na ang mga produkto ay eksklusibong ipinagbibili sa Pilipinas sa pamamagitan ng Terry S.A. Inc..

Naghain ang SPASA ng reklamong trademark infringement at damages sa Caloocan City Office of the City Prosecutor (OCP) laban kina Ong King Guan at Mary Grace Ching, ang treasurer/general manager at corporate secretary ng Kentex, ayon sa pagkakabanggit.

“The OCP-Caloocan City is ordered to file an Information charging Guan and Ching, as owners/officers/employees of Kentex Manufacturing Corp. (Kentex) with trademark infringement under Section 155 of Republic Act No. 8293, as amended,” saad sa ruling ng CA.

Sumang-ayon sa desisyon sina Associate Justices Jose Reyes at Stephen Cruz. (PNA)