INIULAT ng ET nitong Miyerkules na iniimbestigahan ng Los Angeles Police Department ang dating Two and a Half Men star na si Charlie Sheen dahil sa pananakot umano sa kanyang dating fiancée na si Brett Rossi (Scottine Ross ang tunay na pangalan). Ngayon naman, napag-alaman na naghain si Rossi ng restraining order laban sa 50 taong gulang na aktor (Carlos Esteves ang tunay na pangalan), dahil inatake at binantaan umano siya nito, na mapatutunayan sa isang audio recording.

Ayon sa mga dokumento, sinabi ni Rossi na si Sheen “choked Ms. Rossi to the point of almost losing consciousness” at “repeatedly kicked Ms. Rossi while she was on the ground.”

Sinabi rin niya na tinawag din siya ni Sheen na isang “piece of s**t” at sinabing “needs to be f***ing buried.” Ayon pa kay Rossi, sinabi ni Sheen na, “It’s treason. You know what treason is? It’s punishable by death” at, “I’d rather spend $20,000 to have her head kicked in. Then people will realize, oh, it’s dangerous” sa nasabing recording.

Nakiusap si Rossi sa korte na maputol ang kanilang komunikasyon ni Sheen “either directly or indirectly, in any way, including but not limited to, by telephone, mail or email or other electronic means” at mananatiling malayo nang halos 100 yarda mula sa kanya, sa kanyang tahanan, trabaho at sasakyan. Hiniling din ni Rossi na bayaran ni Sheen ang lahat ng kanyang bayarin sa abogado.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

Ayon pa sa mga dokumento, maaaring gumawa ng restraining order ang judge laban kay Sheen na tatagal ng hanggang limang taon. May nakatakdang hearing sa Abril 28, dakong 8:30 ng umaga, sa Santa Monica Courthouse sa Santa Monica, California.

Kinumpirma ng abogado ni Rossi, si John C. Taylor, na sangkot si Rossi sa imbestigasyon at humingi ng tulong sa pulisya kaugnay sa pagbabanta umano ni Sheen. Naghain din siya ng emergency protective order laban sa aktor.

“She takes this very seriously,” sinabi ni Taylor nang panahong iyon. “She intends to do everything she can to protect herself.”

Nitong Disyembre, naghain si Rossi—engaged kay Sheen sa loob ng siyam na buwan noong 2014—ng kaso laban sa dating fiancé kaugnay ng pananakit. Sinabi rin ni Rossi na si Sheen ay naging “violent and abusive and uncontrollable” at naging lulong umano sa ilegal droga at alak noong mga panahong sila pa.

Nagsampa ng kaso si Rossi isang buwan matapos kumpirmahin ni Sheen na siya ay HIV positive sa Today show. Sa kaso, ito rin umano ang naging dahilan kung bakit niya pinilit na magpalaglag si Rossi noong Marso 2014.

“He was worried that his child would become HIV-positive,” paliwanag ni Rossi sa ET. “I think he worried more about his secret than anything else.”

“I’m tired of being scared,” pagpapatuloy ni Rossi. “I’m scared of Charlie. I’m scared of the backlash.”

Samantala, pinabulaanan naman ng abogado ni Sheen, si Marty Singer, ang lahat ng akusasyon ng kabilang panig.

(ET Online)