LAS VEGAS (AP) – Kung sa hinagap ay napag-isipan mga kritiko na lalangawin ng ang MGM Grand Garden Arena, isang malaking pagkakamali.

Nanatili sa listahan ng mga A-lister sa Hollywood para manood ng Manny Pacquiao-Timothy Bradley trilogy sa Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) ang mga tulad ni boxing legend Roberto Duran.

Nasa listahan din na manonood sina Mexican great at six-time world champion Julio Cesar Chavez, reigning World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Jessie Vargas, at posibleng maging karibal ni Pacquiao na si Terrence Crawford, kampeon sa WBO junior welterweight crown.

Dumating din si Duran sa Hollywood para dumalo sa promosyon ng pelikulang Hands of Stone na batay sa totoong buhay ni Duran.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“The one and only ‘Hands of Stone’ Roberto Duran will be arriving here in Las Vegas to watch the fight,” pahayag ni Top Rank promoter Bob Arum.

Magbibigay din ng ‘special apperance’ ang final season winner ng ‘American Idol’ na ihahayag ang resulta sa Huwebes (Biyernes sa Manila).

“The winner will be here on fight night to sing the (US national anthem),” sambit ni Arum.

Namataan din ang miyembro ng pamosong ‘Guns ‘N Roses’ na si Duff McKagan na personal na bumisita kay Pacman sa opisina ng Top Rank.

Subalit, hindi makapapanood nang live ang grupo dahil kasabay sa laban ang konsiyerto nila sa T-Mobile Arena.