JV SANDIGAN_06_BALMORES_080416 copy

Nagpiyansa na kahapon sa Sandiganbayan si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito kaugnay ng kinakaharap na kasong graft dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng mga baril na aabot sa P2.1 milyon noong 2008, noong siya pa ang alkalde ng lungsod.

Inakusahan ni Ejercito si San Juan Vice Mayor Francis Zamora na umano’y nag maniobra ng graft case na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan.

“Wala nang iba, mga Zamoras,” pahayag ni Ejercito ng hingan ng komento ng media.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pasado 9:00 ng umaga nang magtungo si Ejercito sa cashier’s office ng anti-graft court para maglagak ng P30,000 piyansa sa pansamantala nitong kalayaan.

Ito ay matapos na magpalabas nitong Miyerkules ng warrant of arrest ang 5th Division ng Sandiganbayan laban sa senador at sa lima pang akusado na sina City Administrator Ranulfo Dacalos, Treasurer Rosalinda Marasigan, Atty. Romualdo delos Santos, budget officer Lorenza Ching; at Engr. Danilo Mercardo.

Nag-ugat ang kaso sa akusasyong gumastos si Ejercito ng P2.1 milyon para ipambili ng mga baril gamit ang calamity fund noong 2008.

Aprubado ng konseho ang proyekto kaya nakabili si Ejercito ng matataas na kalibre ng baril, bagamat wala naman sa state of calamity ang siyudad. (ROMMEL TABBAD, LEONEL ABASOLA at HANNAH L. TORREGOZA)