Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Maynila na libreng mapapanood ng mga Manilenyo sa lungsod ang laban ng Pinoy boxing champ na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Amerikanong si Timothy Bradley sa Linggo, Abril 10.

Nabatid na inayos na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagpapalabas ng libreng laban ni Pacquiao sa pitong venue, kabilang ang Del Pan Sports Complex sa District 3, Tondo Sports Complex sa District 1, Patricia Covered Court sa District 2, Rasac Covered Court sa District 3, Tolentino Sports Complex sa District 4, San Andres Sports Complex sa District 5, at Sarmiento Covered Court sa District 6.

Mga Manilenyo ang libreng makakapanood ng laban at bibigyan ng special seats ang mga senior citizen at mga may kapansanan. (Mary Ann Santiago)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget