LONDON (CNN) – Nakinabang si David Cameron at asawang si Samantha sa mga share nila sa isang Panamanian-based trust na itinayo ng namayapang ama ng British Prime Minister.

Sinabi ni Cameron sa exclusive interview ng ITV News na wala siyang dapat itago at inamin na silang mag-asawa ay mayroong 5,000 shares sa Blairmore Investment Trust na kanilang ibinenta noong Enero 2010 sa halos £30,000.

“I paid (UK) income tax on the dividends. There was a profit on it, but it was less than the capital gains tax allowance, so I didn’t pay capital gains tax,” aniya sa British broadcaster.

Mayroong mga ulat, ayon sa International Consortium of Investigative Journalists, na ang ama ni Cameron na si Ian, ay ginamit ang mga serbisyo ng Mossack Fonseca law firm upang makaiwas sa pagbayad sa buwis sa United Kingdom ang Blairmore Holdings Inc..

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture