Nakapagtala ng magkakahiwalay na pagyanig sa tatlong aktibong bulkan sa bansa, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa report ng Phivolcs, aabot sa 20 volcanic earthquake ang naitala sa Mount Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 na oras.
Tatlong pagyanig naman ang naramdaman sa Taal Volcano sa Batangas, at limang paglindol naman ang nairehistro sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Paliwanag ng Phivolcs, normal lang sa mga bulkan na magkaroon ng manaka-nakang abnormalidad dahil na rin sa pagiging aktibo ng mga ito.
Nananatili pa rin sa alert level 1 status ang tatlong bulkan, na nangangahulugan na ipinagbabawal ang paglapit at pagpasok ng publiko sa ipinaiiral na four-kilometer permanent danger zone (PDZ). (Rommel P. Tabbad)