ellen-ejay copy

AAMINADO si Ejay Falcon na name-miss na niya si Ellen Adarna na nakatrabaho niya sa seryeng Pasion de Amor. Wish niya, sa katunayan ay ipinagdarasal niya, na magkasama uli sila sa isang show.

“After ng last airing ng Pasion de Amor, eh, nag-text agad ako sa kanya. Sabi ko, eh, sana, magkatrabaho kami ulit.

Si Ellen kasi magaling ang timing sa comedy. Pero sana sa susunod naming project together, eh, tipong rom-com naman or puwede rin medyo may pagka-action,” sey ni Ejay.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Wala raw namang nakikitang problema si Ejay sa inamin ni Ellen kamakailan na meron na itong bagong karelasyon, na isang foreigner. Para kay Ejay, mananatili pa rin naman ang pagkakaibigan nila ng aktres.

“Walang problema naman du’n, eh. Okey lang, tuloy pa rin naman ang friendship namin. Sa akin naman, kung saan siya masaya, eh, dapat masaya na rin tayo para sa kanya. Ganoon naman talaga dapat, di ba?” nakangiting balik-tanong ng alaga ng aming kaibigang si Benjie Alipio.

Dagdag pa ng actor, ang importante raw ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Ellen kahit may karelasyon na nga ang aktres.

Pero may naramdaman ba siyang panghihinayang?

“Well, okey lang ‘yun. Ang importante, eh, natapos ‘yung show na okey kami. ‘Yun lang naman talaga ang hiniling ko, na matapos ‘yung show namin na okey kami para mabigyan man kami ng isa pang project, eh, walang problema sa aming dalawa.

“Kumbaga, kung magkakasalubong kami ngayon, eh, okay kami,” seryosongng lahad ni Ejay. (JIMI ESCALA)