Nahulihan ng tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang isang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati City Police, nitong Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Dugs Act sa Makati Prosecutor’s Office ang naarestong suspek na si Jennie Tayco, 35, kabilang sa Top 10 Drug Personalities sa lungsod.

Sa ulat ng Makati City Police, pasado 11:00 ng gabi nang bentahan umano ng droga ng suspek ang isang police agent sa Barangay Singkamas na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong sachet ng shabu at P500 marked money na ginamit sa entrapment.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa pulisya, inamin ni Tayco na gumagamit siya ng droga subalit mariin nitong itinanggi na siya ay nagtutulak ng shabu sa lugar. (Bella Gamotea)