BANGUED, Abra - Isang kandidato para sa Sangguniang Bayan sa bayan ng Baay-Licuan ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA), ayon sa report ng Abra Police Provincial Office.

Ayon kay Senior Supt. Tony Bartolome, director ng Abra Police Provincial Office, pinaiimbestigahan na nila kung may kinalaman talaga ang NPA sa pagpatay kay Crispin Magwellang sa Barangay Bayabas sa karatig-bayan ng Malibcong.

“Hindi pa natin malaman kung may kinalaman sa pulitika o’ personal ang motibo ng pamamaslang, kaya masusi kong pinaiimbestigahan kung totoong NPA ang may gawa,” ani Bartolome.

Nabatid na dakong 1:25 ng hapon nitong Abril 5, matapos dumalo ni Magwellang sa isang kasalan ay dinukot siya ng pitong armadong lalaki bago pinagbabaril. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog