Tinaya sa P50 milyon ari-arian, kabilang ang 40 sasakyan, ang naabo makaraang lamunin ng apoy ang Honda car company sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni QC Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez, dakong 1:30 ng umaga nang biglang sumiklab ang apoy sa parking area ng two-storey building ng Honda Cars sa Quezon Avenue sa Barangay Talayan.

Ayon kay Fernandez, nagkaroon ng short circuit sa ikalawang palapag ng gusali na kinaroroonan ng parking lot at mabilis na nilamon ng apoy ang may 40 iba’t ibang sasakyan na naka-display.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila ay naapula ang apoy dakong 3:30 ng umaga.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Iniulat naman ng arson probers ng Quezon City Fire Department na walang iniulat na nasaktan at nasawi sa sunog, na pinaiimbestigahan na ni Fernandez kung may foul play. (Jun Fabon)