Umabot na sa 200 sako ng bigas ang naipamahagi ng mga nakikisimpatya sa libu-libong magsasaka ng North Cotabato na nakaranas ng marahas na dispersal operation sa Kidapawan City nitong Biyernes.

Kabilang ang aktor na si Robin Padilla sa mga personalidad na bumisita sa mga magsasaka na pansamantalang nanunuluyan sa Methodist Church sa Kidapawan City, bitbit ang 200 sako ng bigas na kanyang donasyon.

“The call for rice donation was made by a group of media men in Davao City who knew fully well that Davaoeños will respond with compassion,” ayon kay Peter Laviña, tagapagsalita ng presidential bet na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Hindi naitago ni Padilla ang kanyang pagkadismaya sa marahas na pagbuwag sa hanay ng mga nagpoprotestang magsasaka sa Makilala-Kidapawan highway nitong Abril 1, na tatlong raliyista ang namatay habang mahigit 30 iba pa ang nasugatan. (Jonathan A. Santes)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho