YANGON, Myanmar (AP) — Hinubad ni dating Myanmar president Thein Sein ang kanyang pormal na kasuotan at nagpakalbo upang maging Buddhist monk.
Naganap ang ordinasyon ni Thein Sein bilang monghe nitong Lunes, apat na araw matapos niyang pamunuan ang makasaysayang paglilipat ng kapangyarihan sa dating opposition party ni Aung San Suu Kyi.
Naglabas ang Ministry of Information ng pahayag sa Facebook page nito na nagsasabing gugulin ni Thein Sein ang limang araw bilang monghe.
Karaniwan na ang temporaryong pagpasok sa monasteryo sa bansang Buddhist, na ang mga batang lalaki ay inaasahang oordinahan bilang novice monk sa isang punto ng kanilang kabataan at magbabalik sa kanilang pagtanda.