SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nilooban ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang tatlong silid-aralan at ang opisina ng principal ng Sto. Niño 3rd Elementary School sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Nolie Asuncion, hepe ng San Jose City Police, dakong 8:30 ng umaga nitong Sabado nang magsumbong sa himpilan ng pulisya si Ricardo Agustin-Catinding, 44, school principal, ng Zone5, Barangay Calaocan dito, na pinasok ng mga kawatan ang paaralan nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Crisostomo Rivera, kabilang sa mga natangay mula sa Principal’s Office ang isang projector unit, na nagkakahalaga ng P24,000; isang portable DVD, isang speaker, flashlight at iba pang gamit.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito