beermen copy

Kabilang ang ilang miyembro ng San Miguel Beer squad sa pro league sa tahasang nagbigay ng suporta sa kandidatura ng tambalan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano.

Sa isang 26-second video na kinagigiliwan ngayon sa facebook at iba pang social networking site, ikinampanya ng Beermen player na tinaguriang ‘Ballers for Duterte-Cayetano’ ang tambalan ng dalawa na tumatakbong pangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng PDP-Laban. Nakatakda ang eleksiyon sa Mayo 9.

Ang naturang video, na kinunan sa loob ng training facility ng San Miguel Beer, ay unang inilagay sa Facebook ng Duterte Cayetano page.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakalimbag dito ang “Kampihan na! Salamat sa suporta!” na may kaakibat na hashtags SMBeermenforDuterteCayetano, #DuterteCayetano at #BallersforDuterteCayetano. Sa kasalukuyan, umani na ito ng mahigit 200,000 views at mahigit 10,000 likes.

Ilan sa miyembro ng koponan, nakasuot ng itim na polo shirt na may tatak na Duterte, na nagbigay ng kanilang suporta sina Alex Cabagnot, Bitoy Omolon, Alex Doruelo, Gabby Espinas, JayR Reyes, Ryan Arana at Fil-Italian Marcio Lassiter.

Wala namang pormal na pahayag ang koponan hinggil dito, gayundin ang kinatawan ni dating ambassador Danding Cojuangco, isa sa may-ari ng San Miguel Corporation.

Nauna nang nagpahayag ang Nationalist People’s Coalition (NPC), ang partido na itinayo ni Cojuangco, ng pagsuporta sa tambalan nina Grace Poe at Chiz Escudero.

Sa video, sinasabi ng mga player ang katagang “Para sa tunay na pagbabago, Duterte Cayetano po tayo!” kasunod ang pasuntok na porma sa harap ng camera.