Binabalak ng National Council on Disability Affairs na isulong ang pag-amyenda sa Accessibility Law para sa kapakanan ng persons with disabilities (PWDs).
Sinabi ni National Council on Disability Affairs Executive Director Carmen Zubia, na ang pag-amyenda sa Republic Act 344 o An Act to Enhance the Mobility of Disabled Persons by Requiring Certain Buildings, Institutions, Establishments and Public Utilities To Install Facilities and Other Devices, ay para malinawan ang ilang probisyon nito gaya ng pagpaparusa sa mga lumalabag dito na hindi nakapaloob sa batas na ipinasa noong 1982.
Nakasaad sa batas na dapat maging accessible o madaling puntahan ng may kapansanan ang isang establisimyento, pribado man o pampubliko. Ipinagbabawal din nito ang pagpaparada ng sasakyan sa mga daanan na nakalaan sa mga may kapansanan. (Beth Camia)