Humakot ang Taguig PDAO at Region VIII-Visayas ng tig-walong gintong medalya upang pangunahan ang kabuuang 48 local government units (LGU’s) na lumahok sa katatapos na 5th PSC-Philspada National Para Games sa Marikina City.

Kapwa humakot ang mga differently-abled athlete ng Taguig PDAO at Region VIII-Visayas ng mga ginto sa athletics, swimming, boccia, chess at table tennis upang mag-agawan sa pagiging pinakaproduktibong LGU’s sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philspada.

Nagpakita naman ng husay ang Asian Paralympics Games 2014 veteran at sprinter na si Arman Dino mula Cebu, matapos magwagi sa 100m dash upang idagdag sa kanyang napanalunan sa 200m at 400m.

Hanggang kahapon, mas dumami pa ang sumali sa torneo na umabot na sa kabuuang 707 atleta.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Apat na gintong medalya naman ang iniuwi ni 2016 Rio Olympian Ernie Gawilan sa swimming event, gayundin si Judy Ann Neblasca sa women’s division upang tanghaling ‘most bemedalled athletes’ sa pagtatapos ng torneo.

Nagwagi rin ng tatlong ginto sa kani-kanilang kategorya sina Jimmyboy Neblasca, Gary Bejino, Isidro Luis, Remigio Lobos, Marko Tinamisan, Naomi Joy Parcia at Roland Sabido.

Nagkampeon sa Table Tennis singles event Men’s Class 2 and 3 si Darwin Salvacion; Smith Billy Cartera sa Class 4 and 5; Leo Macalandia sa Class 7; at si Joebert Lumanta sa Class 8. Wagi sa Class 9 si Benedicto Gaela; Class 10 si Rommel Lucencio; habang sa Class 4 women si Jaranilla Lucena.

Namayani naman sa men’s Open class 1-5 si Smith Billy Cartera; Open class 6-10 si Benedict Gaela; women’s Open class 6-10 si Josephine Medina,

Kampeon sa Badminton women’s singles si Miriam Lesnania ng Cainta IV-A habang sa men’s singles SL3 si Basil Anthony Hermogenes ng Guihulgan, Negros Occidental. Wagi rin sa men’s singles SL4 si Ernesto Surban mula sa Mandaue, Cebu.

(ANGIE OREDO)