TARLAC CITY - Habang nalalapit ang eleksiyon sa Mayo 9, sinasabing maraming kandidato ang natetensiyon sa kampanya, kaya napapadalas umano ang paggamit ng tableta na pampakalma.
Napag-alaman na marami na ang bumibili ng nasabing gamot sa mga botika, at pinaniniwalaang binabaon habang nangangampanya sa panunuyo sa mga botante; nakangiti kahit pagod.
Aabot sa malaking bilang ng kandidato sa Tarlac at sa iba pang lugar sa Central Luzon ang iniulat na may dalang tabletang pampakalma, na umano’y mabili ngayon sa mga botika.
Sa Tarlac ay neck-to-neck ang labanan sa pagkagobernador nina Susan Yap- Sulit at Gelacio “Ace” Manalang, habang sa pagka-alkalde ng Tarlac City ay naglalaban sina ABC President, Councilor Allan “Manchoy” Manalang at Cristy Angeles.
Batay naman sa survey, mga baguhan sa pulitika ang napipisil ng mga botante, dahil higit ang public relations ng mga ito sa mamamayan at maging sa mga mamamahayag sa lalawigan. (Leandro Alborote)