Lumitaw sa survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) sa mga kumakandidato sa pagkasenador na “statistically tied” sa unang puwesto ang re-electionist na si Senator Tito Sotto at si dating Senador Francis Pangilinan.

Base sa huling Pulso ng Pilpino survey, si Pangilinan ang nagtala ng pinakamalaking paglundag sa hanay ng mga senatorial candidate matapos siyang makakuha ng 48 porsiyento sa voter preference, mula sa 43 porsiyento.

Samantala, bumulusok naman ang boxing champ na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa 31 porsiyento, mula sa dating 36 porsiyento.

Nakikipaggitgitan si Pacquiao sa ika-11 hanggang ika-12 puwesto kay dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, na nakakuha ng 29 na porsiyento.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang non-commissioned survey ay isinagawa nitong Marso 16-22, at sinagutan ng 1,800 respondent.

Ayon kay Ed Malay, director ng The Center, marami pa ring posibleng magbago sa “Magic 12” sa mga susunod na araw.

Bagamat malaki ang posibilidad na makapasok si Pacquiao, ang pakikipag-alyansa ni Tolentino sa maiimpluwensiyang pulitiko sa lokal na antas ay malaking tulong sa kandidatura ng huli.

Si Tolentino ay hindi lamang naging alkalde ng Tagaytay City ng tatlong termino, nagsilbi rin siyang pangulo ng maimpluwensiyang League of Cities of the Philippines.