CONCEPCION, Tarlac – Nakumpiskahan ng ilegal na droga ang isang lalaki na hinihinalang bangag matapos arestuhin dahil sa kanyang pagwawala sa Barangay San Juan, Concepcion, Tarlac.

Dinakip habang nagsisisigaw at nanggugulo sa nasabing lugar si Nathaniel Simbulan, 31, may asawa, ng Cope Subdivision, Bgy. Alfonso, Concepcion, Tarlac.

Nakumpiska mula sa kanya ang tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tatlo pang transparent plastic sachet na may pinatuyong dahon ng marijuana, na sinusuri ngayon sa Tarlac Provincial Crime Laboratory Office sa Camp Macabulos. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae