Suarez, sinamahan si Ladon sa Rio; 2 PH boxer, sabak sa Olympics box-off.

Matagal nang kawikaan ng Pinoy boxer na kung local fighter ang kalaban sa krusyal na sandali, walang lugar ang desisyon, kailangan ang TKO para manalo.

Siniguro ni Charly Suarez, silver medal winner sa Incheon Asian Games, na hindi malulutong-makaw ang kanyang kampanya matapos pabagsakin ang karibal na si Chinese Jun Shan ng China sa ikatlong round para makausad sa gold medal match ng Asian/Oceania Qualification Event kahapon, sa Tangshan Jiujiang Sports Center sa Quian’an, China.

Dikit ang iskor ng mga hurado sa 19-19, 17-20, at 18-20 bago nagpakawala ng malalakas na suntok si Suarez na nagpakalog sa tuhod ng karibal at masungkit ang inaasam na panalo para sa awtomatikong Olympic berth para sa Rio Games sa Agosto.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Batay sa format, ang mangungunang tatlong boksingero sa kani-kanilang division ay awtomatikong pasok sa quadrennial meet.

Nauna nang nagkuwalipika sa Rio Games si light flyweight Rogen Ladon nang gapiin si Devendro Singh Laishram ng India sa unanimous decision (30-26).

Target ni Ladon ang gintong medalya laban kay defending ASBC Asian Confederation champion Hasanboy Dusmatov ng Uzbekistan.

Makakasagupa naman ni Suarez ang No. 1 seed sa men’s lightweight (60kg) class na si Otgondalai Dorjnyambuu ng Mongolia.

Sisikapin naman nina bantamweight (56 kgs.) Mario Fernandez at welterweight (69 kgs.) Eumir Felix Marcial na makasama sa dalawang kababayan sa kanilang pakikipagtuos sa box-off para sa bronze medal.

Mapapalaban si Fernandez kay Kairat Yeraliyev ng Kazakhstan, habang magpapakatatag si Marcial kontra kay 2012 London Olympian Tuvshinbat Byamba ng Mongolia.

Nabigo si Marcial na makuha ang awtomatikong Olympic berth nang matalo kay Shakhram Giyazov ng Uzbekistan sa semi-final, habang naunsiyami si Fernandez kay Chatchai Butdee ng Thailand sa desisyon.