KABUL, Afghanistan (AP) - Aabot sa 11 katao ang nasawi sa aksidente sa kalsada sa labas ng kanlurang lungsod ng Herat, kinumpirma ng isang Afghan official.

Ayon kay Rauf Ahmadi, tagapagsalita ng provincial police chief, tatlong sasakyan ang nagkarambola, at pitong tao ang nasugatan. Aniya, ang hindi maingat na pagmamaneho ang sanhi ng aksidente, at kabilang ang kababaihan at mga bata sa mga namatay at nasugatan.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo