Nakopo ng tambalan nina Charo Soriano at Alexa Micek ang bronze medal sa idinaos na Thailand Beach Volley Festival kamakailan, sa Karon Beach sa Phuket,Thailand.

Nagpamalas ng impresibong laro sa una nilang international competition sina Soriano at Micek, tampok ang 21-19, 21-16 panalo sa tambalan nina Chantira Khanok at Yodsaphat Pakham ng Thailand.

Bunsod ng panalo, napigilan ng Pinay beach belles na makumpleto ng Thai ang ‘sweep’ sa torneo matapos umusad sa championship match ang dalawang Thai squad. (Marivic Awitan)

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'