MATTEO copy

KAYA naman pala in love na in love si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli. Kapag nakapormal na kasuotan, lalong lumilitaw ang pagiging elegant eng actor.

Nagmukhang Adonis si Matteo Guidicelli habang suot ang gawa ng New York-based Filipino designer na si Joseph Aloysius sa menswear collection fashion show sa The Brewery, Taguig last March 22, Holy Tuesday,

Nagsimula si Aloysius bilang visual merchandiser ng sikat na si Giogio Armani. Ngayon, gumagawa na rin siya ng sariling pangalan abroad at nakikilala sa kanyang mga sariling disenyo na edgy artisan aesthetic at classic silhouette designs.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Sa nasabing rampahan sa The Brewery, kapansin-pansin na hindi lang simpleng tuxedo ang suot ni Matteo dahil worth a million pesos iyon.

E, kasi nga, lahat ng kumikislap na mga butones sa kanyang suot ay pawang diamonds. Walo ang diamond buttons na nasa sleeves at ang pinakamahal ay ang nasa enclosure ng coat.

Ang nasabing Aloysius Diamond Tuxedo ay gawa mula sa finest Italian wool cashmere shell at silk lining.

Ipinagmamalaki ni Matteo na siya ang napili ng designer para isuot ang mamahaling tuxedo.

“Astig talaga, thank you so much,” nasambit ng aktor. “He trusts me to wear his suit, not just the stones or the rocks are beautiful but the fit, ‘yung fit talaga nu’ng mga suit niya.

“He just called me, he said, ‘Matteo, I would love for you to wear my final piece,’ and then I said, ‘Yes, no problem for you.’”

Isa si Matteo sa mga sinasabing Joseph’s A-list clientele since last year.

Pinakagusto ni Matteo ang pagiging simple ng designs ng meanswear collections ni Joseph.

“I don’t like ‘yung top na colorful, sobrang detailed,” paliwanag ni Matteo. “More on simple and nicely made. I actually told my stylist to wear more of his pieces.”

May tip si Matteo sa mga nagpaplanong bumili o magsuot ng tuxedo.

“Dapat ‘yung fit pa lang, it’s automatically nice and comfortable. It’s very hard to find a suit that’s very comfortable on you with no alterations. Kasi usually kapag may shoot minsan, usually may alterations pa ‘yan, dapat ‘yung tamang-tama, at maganda ‘yung fit,” pahayag ng aktor. (ADOR SALUTA)