NAGSIMULA na ang kampanya para sa mga lokal na kandidato na tinampukan noong Lunes ng proclamation rallies nina Liberal Party (LP) Mayoralty bet Alfredo Lim, Manila Mayor Joseph Estrada, at Makati Rep. Abigail Binay.

Si Lim, kasama si vice mayoralty candidate Rep. Benjamin Asilo, ay nagdaos ng proklamasyon sa Plaza Miranda na dinaluhan nina President Aquino, ex-DILG Sec. Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Sa Liwasang Bonifacio naman ginanap ang proklamasyon ni Estrada na dinaluhan ni Sen. Grace Poe, kandidato sa pagkapangulo ng Galing at Puso Party (Independent). Siya ay inaanak ni Erap. Hindi niya kasama si Sen. Chiz Escudero dahil ang suportado ni Pareng Erap ay si Sen. Bongbong Marcos. Si Rep. Binay ay UNA Makati Mayoralty bet na iprinoklama sa Metropolitan Hall kasama ang amang si VP Jojo Binay at kapatid na si Junjun Binay.

Sa Maynila, ito ang muling pagtutuos nina Asyong Salonga (Erap) at Dirty Harry (Lim). Sa Makati City naman na itinuturing na Republika ng mga Binay, babanggain ni Mayor Romulo “Kid” Peña si Abigail na kabilang sa Binay Dynasty. Mabuwag kaya ni Mayor Kid ang Binay Republic at ang kanilang dynasty?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“Pag nagkataon,” bulong sa akin ni senior-jogger, “magiging mga lider ng ‘Pinas sa 2016 ay MARCOS-MARCOS.”

Nagmamaang-maangan si Tata Berto: “Bakit naman Marcos-Marcos eh, ang apelyido ni Sen. Grace ay POE o Llamanzares?”

Aha, si Pulot nga pala ay anak daw ni ex-Pres. Ferdinand Marcos, ayon sa urban legend. Itinatanggi naman ito mismo ni Grace at maging ni Susan Roces.

***

Hindi lang pala sa West Philippine Sea pumapasok at naglalayag ang mga Chinese vessel kundi maging sa karagatan ng Malaysia. Na-detect ng Malaysian Coast Guard ang 100 Chinese-registered vessels malapit sa Luconia Shoals na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEC) ng Malaysia.

Ayon kay Sharidan Kassim, ministro ng Malaysian Security, pinakikilos nila ang Malaysian Maritime Enforcement Agency at Navy upang i-monitor ang sitwasyon sa naturang lugar na pinasukan ng Chinese boats. Gayunman, mula sa Beijing, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei, na may karapatang maglayag sa nasabing karagatan ang kanilang mga sasakyang-dagat.

***

Laganap ang terorismo ngayon sa iba’t ibang parte ng daigdig na kagagawan ng Muslim radicals at fundamentalists. Sa Lahore, Pakistan, 72 tao ang namatay at marami ang sugatan, karamihan ay mga bata, nang nagpasabog ang isang suicide bomber sa sarili sa isang parke habang ipinagdiriwang ng mga Christian ang Easter Sunday. Pinasabog ng bomber ang explosives na malapit sa playing area sa Gulshan-i-Iqbal Park.

Mga walanghiya kayong terorista! Pati mga bata ay idinadamay sa ideolohiya o relihiyong maging si Allah ay tiyak na tututol sa inyong karahasan. Salamat na lang at sa Pilipinas ay hindi nangyayari ang ganitong suicide bombings at “brutal violence” na isinasangkalan pa ang Maykapal sa pagsasagawa ng karumal-dumal na karahasan! (Bert de Guzman)