SA “Vox populi, Vox dei”, wikang Latin nina Balagtas at Huseng Batute na nangangahulugan na “Ang boses ng tao, ay boses ng Diyos”, inaasahan ng mahigit 50 milyong botante na magkaroon ito ng katuparan upang ang tunay na leader ng bansa ang siyang maluklok sa kapangyarihan para pagsilbihan ang mga mamamayan.

Ito ang pagtiyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na isinatinig ni Comelec Spokesman James Jimenez sa Kamara kamakailan. Ipinaalam pa nila na ang komisyon ay magsasagawa ng malawakang voters’ education campaign upang gabayan at turuan ang mga botante sa pagsunod sa proseso ng halalan at makabuti nang tama. Hindi magiging “Tinig ng Diyos ang tinig ng mamamayan” kung nagwagi ang kandidato sa dayaan.

Gayunman, ibinulong sa akin ng kaibigan kong palabiro-sarkastiko na magkakaroon lang ng malinis, maayos at kapani-paniwalang halalan kung sino kina VP Binay, Mayor Duterte, Sen. Grace Poe, ex-DILG Sec. Mar Roxas, at Sen. Miriam Defensor-Santiago ang dapat maging pangulo kung hindi gagamitin ang PCOS machines na ma-hokus-pokus ang bilangan at resulta sa botohan. Mang Andres, umaasa ang publiko sa pangako mo.

Maging sa lokal na halalan ay nananawagan at umaapela ang mga kandidato para sa isang malinis at kapani-paniwalang halalan. Pinuri ni LP Manila Vice Mayoralty bet Rep. Benjamin “Atong” Asilo ang inilunsad na COVENANT ng Comelec para sa mga kandidato ng Maynila na idinaos sa Plaza Miranda, Quiapo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kumpleto ang attendance ng mga kandidato ng Liberal Party bagamat hindi nakadalo ang ilang kandidato mula sa kampo nina Mayor Estrada at Rep. Amado Bagatsing. Umaasa si Cong. Asilo sa tapat at mapayapang halalan sa lungsod sapagkat mismong ang Comelec ang naglunsad ng Covenant o Kasunduan.

Dahil sa hangarin ng Comelec sa pagkakaroon ng malinis na halalan sa lungsod, umaasa ang Pambato ng Tondo na iiwasan ng mga kandidato, mula sa hanay nina Erap at Bagatsing na magbatuhan ng putik at dayaan, at sa halip ay ilahad nila sa mga Manilenyo ang kanilang plataporma-de-gobyerno.

Kung magagaya lamang ng mga kandidato ngayon ang halimbawa ng katapatan na ipinamalas ni Ronald Gadayan, 39, janitor sa NAIA, na nagsauli ng maletang naiwan sa paliparan na naglalaman ng P2.4 milyon, marahil ay tuluyang mawawala ang kurapsiyon. Dahil sa kabutihan ni Gadayan, siya ay binansagan bilang “Bayaning Tanga”. Pinarangalan siya ng Rotary Club of Pasay-Sinagtala.

Noong Easter Sunday, hindi napigilan ni Pope Francis ang pagbatikos sa aniya’y “blind terrorism” na umiiral ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo, partikular na sa Europe, Africa, Middle East. Umapela ang Santo Papa sa mga mamamayan sa buong daigdig na gamitin ang “weapons of love” upang labanan ang “blind and brutal violence.” (Bert de Guzman)