KASING-HALAGA ng pagboto sa pangulo at bise presidente ang pagpili sa mga senador. Mahahalaga rin ang tungkulin na gagampanan ng mga ito sa pagpapatakbo ng bansa kaya’t huwag natin itong isantabi at dapat ding pag-isipang mabuti at huwag pagbatayan ang kasikatan. Hindi porket sikat ay magaling na. Kailangan nating piliin ang mga may sapat na kakayahan at kaalaman, makabayan, makatao at hindi mapagsamantala.

Sa mga nagdaang eleksiyon, nakalulungkot man, ang naging batayan ng ilan sa ating mga kababayan ay popularidad.

Basta sikat, okay. Bastat magaling na boksingero, okay. Basta kilalang aktor, okay. Pero ano ang nangyari? Ang mga sikat na artistang ito ang nagbigay-dungis sa ating lehislatura.

Kilala na natin ang mga dating senador. Iyong mga senador na magaling pumorma pero walang sinabi. Iyong mga senador na walang hinihintay kundi ang Philippine Development Assistance Programme (PDAP) at Disbursement Acceleration Program (DAP). Walang inaabangan kundi ang “pamasko” ng pangulo at kung may gusto itong mangyari, katulad na lamang sa nangyari sa kaso ni dating Chief Justice Renato Corona. Hindi ba’t lumilitaw na ang lahat ng bumoto na mapatalsik si Corona ay nagsipag-uwi ng limpak-limpak na salapi? Kalimutan na natin sila sa darating na eleksiyon. Basta lumang mga senador, itapon na sa basurahan at magluklok naman tayo ng bago.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang ilan sa mga bago na maaari nating iluklok at iboto ay sina PCSO chairman Richard Gordon, Rep. Neri Colmenares.

Atty. Lorna Kapunan, Susan Ople, Roman Romulo, dating Partylist Rep. Walden Bello, Rep. Martin Romualdez at Cong. Win Gatchalian.

Ang mga iyan ay ilan lamang sa mas may “K” kaysa dating mga senador na walang inaabangan kundi ang mapapakinabangan at hindi iniisip kung ano naman ang mapapakinabangan sa kanila ng bayan.

Si Sen. Panfilo Lacson puwede na rin kahit na dati na siyang senador. Nag-iisa siyang senador na hindi tumatanggap ng PDAP. Masikap din ang senador na ito at may prinsipyo.

Ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao ay hindi karapat-dapat na mapabilang sa Senado, pero siguradong mananalo.

Ito ang halimbawa ng sinasabi ng kolumnistang ito na iboboto natin dahil sikat, pero botong sayang lamang. Ginawa lamang niyang “tourist spot” ang Kongreso. Mamamasyal lamang kung kailan maisipan. Mabibilang mo lamang sa iyong daliri kung ilang beses itong dumalo sa mga sesyon. (Rod Salandanan)