Muling nadiin si Rizal Commercial Bank Manager (RCBC)-Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito sa panghuhuthot sa US$81 million na pag-aari ng Bank of Bangladesh sa pamamagitan ng hacking para ilipat sa RCBC account sa Pilipinas.

Sa testimonya ni Kam Sin Wong, alyas “Kim Wong”, sa Senate Blue Ribbon Committee kahapon, sinabi niyang si Deguito ang nakakaalam sa lahat ng transaksiyon at inginuso rin niya ang dalawang banyaga na nagpasok ng pera sa bansa.

Aniya, si Deguito ang nagbukas at nameke sa bank account ng dalawang banyaga na itinanggi niyang pangalanan.

“Si Maia rin ang gumawa ng lahat ng paraan para mailabas ang lahat ng pera sa bangko,” ani Wong.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Wong ay minsan nang inimbestigahan ng Senado kaugnay naman sa ilegal na droga, pero walang matibay na ebidensiya na naiprisinta laban sa kanya.

Hindi dumalo si Deguito sa pagdinig dahil na rin sa karamdaman, ayon sa kanyang abogado.

Si Wong ay sinasabing junket operator o namamahala sa mga player ng casino at konektado umano siya sa Midas, Solaire at Eastern Hawaii Leisure, sa Cagayan Special Economic Zone.

Si Deguito rin ang itinuturong kausap ni Salud Bautista, ng Philrem Service Corporation, isang remittance center, na nagdeposito ng milyung-milyong halaga ng pera sa nabanggit na sangay ng RCBC. (LEONEL ABASOLA)