Ang isa sa natitirang huling dalawang eliminasyon para sa ginaganap na 2016 Thunderbird Enertone Challenge 5-Cock Derby ay ginanap kahapon sa Roligon Megacockpit Arena kung saan 80 kalahok ang nagnanais na makaabante sa 3-cock finals sa Abril 3.

Sa darating na Huwebes, Marso 31, maaari pang humabol ang mga nais lumahok at makibahagi sa nakatayang premyo na P2.5M para sa entry fee na P3,300 kasama ang dalawampung (20) basyo ng Thunderbird 1-kilo Enertone.

Ang huling provincial elims ay sa Guagua Cockpit Arena, Pampanga sa Marso 29, handog ni Ompong Qatar.

Pasabong ni Ka Lando Luzong, ang taunang sagupaan ay dinisenyo para sa maliliit na mananabong na may mababang entry fee subalit may malaking premyo.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Ang straight-five fights sa championship sa Abril 3 ay mahigpit na ipinagbabawal.