Agad na magbabalik sa pangangampanya ang world eight-division boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao manalo man siya o hindi sa huling laban niya kontra sa Amerikanong si Timothy Bradley sa Abril 9 (Abril 10 sa Pilipinas).

Kandidato sa pagkasenador, excited na si Pacquiao na ipagpatuloy ang kanyang pangangampanya, tiniyak na agad siyang magbabalik sa campaign trail kahit pa sandaling panahon lang siya mamamahinga pagkatapos ng laban niya kay Bradley.

Kumakandidato si Pacquiao sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

Sa gitna ng kaabalahan niya sa training, nagawa pa ni Pacquiao na tumawag sa kanyang campaign headquarters kamakailan para tiyakin ang kanyang pagbabalik sa kampanya pagkatapos ng kanyang laban.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Saan man kami pumunta—sa Cebu, Bohol, Negros, Leyte, etc.—nagtatanong ang mga tao kung nasaan si Manny Pacquiao.

Sinasabi na lang namin sa kanila na nasa training camp pa siya para sa scheduled rubber match niya kay Bradley,” sabi ni Joseph Sta. Teresa, nangangasiwa sa campaign headquarters ni Pacquiao sa Visayas.

Bagamat ipinagmalaking hindi pa tinanggihan si Pacquiao ng lahat ng botanteng nakasalamuha nila, inamin ni Sta. Teresa na marami pa ring tao ang hindi nakaaalam na kumakandidatong senador ang kongresista.

“Marami sa nakaharap namin ang hindi alam na kandidato sa pagkasenador si Pacquiao. Pero kapag nalaman na nila na isa siya sa senatorial candidates, nangangako silang iboboto siya, kasi naniniwala sila sa kanyang kakayahan at sa sinseridad niya na maglingkod,” ani Sta. Teresa. (Ben R. Rosario)