Ni Jimi Escala

Ryan BangSA It’s Showtime ibinalita ni Ryan Bang na ipina-block na niya ang contact number ng Korean girlfriend niyang si Sarah Jung. Ayaw na marahil ni Ryan na humaba pa ang anumang isyu sa kanila ng kasintahan. 

Lumabas kasi ang balitang si Sarah ang mismong nakipaghiwalay kay Ryan kaya para matigil na marahil ang anumang isyu sa kanila, ipina-block ni Ryan ang contact number nito. 

‘”Yung pag-ibig ko, pupunta sana, eh, kaso trapik na, ang daming stop light,” pasaring pa ni Ryan sa dating girlfriend. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa pagkakaalam ng taong nakausap namin na malapit kay Ryan, mag-iisang taon na ang relasyon ng dalawa.

“Sa totoo lang, sobrang mahal din naman ni Sarah si Ryan, kaya nga, kung natandaan ninyo, eh, bumisita pa siya sa Showtime at ipinagmamalaki pa niya ang boyfriend niya,” sey ng source.

Malamang daw ay nainsulto si Sarah sa naging pahayag ni Ryan sa show na kung ang ina raw niya ang masusunod, mas gusto nitong Pinay ang mapangasawa ng anak.

“Gusto niya akong magpakasal sa Pinay kasi nakita ng magulang ko kung gaano kalambing, magmahal ang mga Pilipina, gaano kaalaga sa asawa at sa partner. Pero ang problema ko lang, eh, ayaw ng mga Pinay sa akin,” napatawang banggit pa ni Ryan Bang.