Ipagpapatuloy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon nito hindi lamang laban sa illegal campaign materials kundi maging sa paglilinis sa mga estero matapos ang mahabang bakasyon para sa Semana Santa.

Sinabi ni Francis Martinez, hepe ng MMDA Metro Parkways and Clearing Group, na naging abala ang kanilang mga tauhan sa pagtulong sa pagmamando ng trapiko sa mga bus terminal kaya itinigil muna nila ang “Oplan Baklas” at “Estero Blitz” nitong Semana Santa.

At sa pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa mga kumakandidato sa lokal na posisyon nitong Sabado, hindi pa rin nakakilos ang MMDA upang magbaklas ng mga illegal campaign billboard.

“Nagbabantay kami sa mga major thoroughfare nitong Holy Week,” pahayag ni Martinez.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

At ngayong tapos na ang bakasyon, tiniyak ni Martinez na balik-operasyon na ang Oplan Baklas, tiniyak na mas magiging agresibo ang ahensiya sa kampanya dahil ilang araw na lang ang nalalabi bago ang halalan.

Samantala, tiniyak din ni Engineer Baltazar Melgar na handa na sila sa pagpapanumbalik ng dredging operation sa mga estero at kanal sa Metro Manila ngayong linggo, bilang paghahanda sa tag-ulan. (Bella Gamotea)