ISA na siguro sa pinakamagandang birthday message na natanggap ni Kathryn Bernardo sa kanyang kaarawan noong March 26 ang galing kay Karla Estrada, ina ng kanyang ka-love team na si Daniel Padilla.

Ipinost ni Carla sa Instagram (IG) ang birthday message niya kay Kathryn na: “Happy Birthday to you, Kath!!! I’m your number 1 fan! Proud NA proud ako sa lahat ng narating mo at para sa akin ay IKAW nng pinakamahusay, pinakamabait, pinakamaganda at pinakamapagkumbaba!!! Andito lang ako, ang isa sa mga tagapagtanggol mo!”

Ikinatuwa ng KathNiel fans ang message ni Karla kay Kathryn at may nag-comment na love talaga ni Karla ang young actress at boto siya rito para sa anak.

May isa pang nag-comment nasana lahat ng (future) mother-in-law ay katulad ni Karla. Marami ang nagpasalamat kay Karla at sa katunayan ay may naiyak pa sa mensahe niya kay Kathryn.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May birthday greetings din sa IG si Daniel, pero hindi sa sariling account niya, kundi sa IG ni Pat Sugui. Isinulat niya sa sand ang “Happy Birthday, Bali” na kinakiligan ng KathNiel fans.

May dahilan naman siguro si Daniel kung bakit hindi sa IG account niya binati ng happy birthday ang ka-love team at sa IG pa ni Pat. (Nitz Miralle