Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

3 n.h. -- Blackwater vs NLEX

5:15 n.h. -- Star vs San Miguel Beer

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Patatagin ang kanilang kapit sa ikalawang puwesto upang patuloy na makaagapay sa liderato ang tatangkain ng San Miguel Beer sa pagsagupa laban sa bumalikwas na Star Hothots sa tampok na laro ngayong Linggo ng Pagkabuhay sa 2016 PBA Commissioners Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Galing sa malaking panalo kontra Alaska Aces, 116-96, bago ang Holy Week, inaasahang pursigido ang Beermen, higit at posibleng hindi makalaro ang namimighati pa ring si Arwind Santos bunsod ng pagkawala ng butihing ina nitong Lunes Santo.

Hindi rin malinaw kung makababalik din si reigning MVP Junemar Fajardo na nagtamo ng injury sa tuhod.

“Hopefully makalaro na si Junemar sa Sunday.Mabilis kasi ang pagsubside ng pamamaga sa kanyang tuhod. Para kay Arwind, hayaan muna natin siyang makarekober sa pagkawala ng kanyang ina,” ayon kay SMB coach Leo Austria.

Sa panig naman ng Star, inaasahan ni coach Jason Webb na ang larong ito ang talagang magbabadya na tunay na nakasabay na ang Hotshots sa kanyang sistema.

Katunayan, sinadyang hindi mag- break ng team noong nakaraang Mahal na Araw para paghandaan ang laban kontra Beermen.

“We finally got a streak going,but it’s not getting easier.We’re gonna have our hands full especially on defense,” pahayag ni Webb.

Target ng Star na makamit ang ikatlong sunod na panalo.

Mauuna rito, magkukumahog namang makabalik sa winning track ang magkatunggaling Blackwater at NLEX. Nakatakda ang kanilang laro ganap na 3;00 ng hapon.