SA misa ngayong gabi, Sabado de Gloria, hinihintay ng mga Kristiyano na lumabas ang Panginoon mula sa libingan. Ang paschal candle sa “Service of the Light” ay sumisimbolo sa Risen Christ na nagliliwanag sa kadiliman ng kasalanan at kamatayan.

Ito ay sinasadula sa simbahan kung saan lahat ng ilaw ay nakapatay at binabalot ng kadiliman ang paligid. Tanging ang paschal candle lamang ang ilaw.

Isang araw, may lalaking bumisita sa seminaryo. Ang mga pader at bulletin board ay tadtad ng poster kung saan mababasa ang katagang: “Si Kristo ang sagot.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Napaisip kung ano ang ibig sabihin nito, napatanong ang bisita at sinabing: “Ano ang tanong?”

Kung “Si Kristo ang sagot,” ano ba ang tanong na kanyang sinasagot?

Sinagot ito ng: matapos ang lahat ng sakripisyo, ano? Gaya rin ito ng sagot sa katanungang: “Ano ang kahulugan ng buhay?

Ayon nga kay St. Paul, “If Christ has not risen, in vain is our preaching and your believing in it” (1 Cor 15, 13).

Ang Easter o muling pagkabuhay ni Kristo ay hindi lamang paggunita sa kung ano ang mga nangyari sa nakalipas na 2000 taon kundi ito ay may kinalaman din sa KASALUKUYAN.

Ang pagkmatay ni Kristo, halimbawa, ay magsisilbing aral sa’tin na baguhin natin ang ating sarili mula sa pagiging makasalanan. Halimbawa na lamang nito ang isang tao na sinisikap na hindi na muling manigarilyo, magsugal at iba pang maling gawain.

Ganoon din sa pamilya, may mga pagsubok na pagdaraanan sa pagbabago. Para sa mga hiwalay na mag-asawa, halimbawa, nagiging mahirap para sa ilan na magkapatawaran at magkaayos muli.

“Ibig mong sabihin, kailangan kong kalimutan na lang ang lahat—ang pangangalunya, niloloko mo ba ako?” maaaring ito ang mamumutawi sa mga labi ng misis na naargabyado.

Oo. Kung ang iyong asawa ay humingi na ng kapatawaran at nakita namang mula ito sa kanyang puso, kinakailangan mong magpatawad, katulad na lamang ng ginawa ni Kristo nang patawarin niya ang lahat ng nagkasala sa kanya sa krus.

Katulad ni Kristo, lahat tayo ay may kanya-kanyang kalbaryo. Ngunit tulad ng tagapagligtas, alam natin kung gaano kasarap sa pakiramdam na pinatawad at minamahal. (Fr. Bel San Luis, SVD)