APTOPIX Italy Pope Holy Thursday

CASTELNUOVO DI PORTO, Italy (AP) — Hinugasan at hinalikan ni Pope Francis ang mga paa ng mga Muslim, Christian at Hindu refugee nitong Huwebes Santos at idineklara na lahat sila ay mga anak ng iisang Diyos, bilang pagpapakita ng pagtanggap at pagkakapatiran sa panahon ng tumataas na anti-Muslim sentiment kasunod ng Brussels attacks.

Kinondena ni Francis ang pamamaslang na “gesture of war” na kagagawan ng mga taong gutom sa dugo at nakagapos sa industriya ng armas sa Easter Week Mass kasama ang mga asylum-seeker sa isang shelter sa Castelnuovo di Porto, sa labas ng Rome.

Ginugunita ng ritwal sa Huwebes Santo ang paghuhugas ni Jesus sa mga paa ng kanyang mga apostoles, at naglalayong ipakita ang diwa ng pagsisilbi. Taliwas sa ipinakita ni Francis ang “gesture of destruction” ng mga umatake sa Brussels, na ayon sa kanya ay nais na wasakin ang pagkakapatiran ng sangkatauhan na kinakatawan ng mga migrante.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“We have different cultures and religions, but we are brothers and we want to live in peace,” sinabi ni Francis sa kanyang sermon, sa labas ng mahangin na bakuran ng sentro.

Napaiyak ang ilang migrante nang lumuhod sa harapan nila si Pope Francis, binuhusan ng agwa-bendita ang kanilang mga paa, pinunasan at hinalikan.

“All of us, together: Muslims, Hindi, Catholics, Copts, Evangelicals. But brothers, children of the same God,” pahayag ni Francis. “We want to live in peace, integrated.”

Sinalubong si Francis ng mga banner na mababasang “welcome” sa iba’t ibang lengguwahe habang naglalakad siya sa pasilyo para ipagdiwang ang Misa. Ngunit iilan lamang sa 892 asylum-seeker na naninirahan sa shelter ang dumalo. Sa pagtatapos ng Misa, isa-isang binati ng papa ang mga refugee, naki-selfie at tinanggap ang kanilang mga liham.

Sinabi ng Vatican na apat na babae at walong lalaki ang nakibahagi sa ritwal. Ang mga babae ay kinabilangan ng isang Italian Catholic na nagtatrabaho sa sentro at tatlong migranteng Eritrean Coptic Christian. Ang mga lalaki ay kinabibilangan ng apat na Katoliko mula sa Nigeria, tatlong Muslim mula sa Mali, Syria at Pakistan at isang Hindu mula sa India.