Hinamon ni Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima si PDP-Laban standard bearer Davao City Mayor Rodrigo Duterte na maglatag ng kanyang mga panukalang solusyon sa malalang suliranin sa mga bilangguan sa bansa sa halip na maghanap ng pagbubuntunan ng sisi.
Itinanggi rin ni De Lima ang akusasyon ni Duterte na walang ginawang hakbang ang kasalukuyang admnistrasyon sa kaliwa’t kanang anomalya sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
“It is not true that the Aquino Administration did not do anything in fixing the Correctional system. The ‘Oplan Galugad’ as it is, set a trend in curbing corruption in the government prison facilities,” giit ng dating kalihim ng Department of Justice (DoJ).
Sa katunayan, aniya, siya mismo ang nanguna sa pagsalakay sa NBP na nagsimula noong Disyembre 2014 sa ilalim ng Oplan Galugad.
Ang pagsalakay, ayon pa kay De Lima, ay nagresulta naman sa pagkakakumpiska ng mga ilegal na droga, armas, pera, electronic gadget at iba pang kontrabando.
Ang pagpapatupad ng Oplan Galugad ay bahagi ng mga reporma na sinimulan noong si De Lima pa ang kalihim ng DoJ.
Magdasal, magsimba, at magnilay-nilay. At pagkatapos, sikaping maging mabuting tao sa buong taon. (Leonel Abasola)