Ipinahayag ni Philippine Sports Association for the Differently-Abled (Philspada) president Mike Barredo na apat pang atletang Pinoy ang nakapasok para sumabak sa 2016 Rio Paralympic Games sa Brazil.

Ayon kay Barredo, kuwalipikado na maglaro sa quadrennial meet sina Josephine Medina ng table tennis, sprinter Jerold Mangliwan, long jumper Andy Avellana, at powerlifter Adeline Ancheta.

Bago ito, limang atleta ang nakakuha ng slots para sa Paralympic Games sa Rio De Janeiro sa September 7-18, sa pangunguna ni swimmer Ernie Gawilan sa 400m freestyle.

Umaasa si Barredo na madadagdagan pa ang listahan ng mga Pinoy sa Rio Games sa mga susunod na buwan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We expect more athletes from swimming and athletics to qualify,” sambit ni Barredo.

Makikilatis ang husay ng Pinoy Paralympians sa pagsabak nila sa 5th National Para Games sa Marso 27 hanggang Abril 2 sa Marikina City.