BEIJING (AP) — Umabot sa 130 katao ang inaresto ng Chinese police sa pagtutugis sa mga bakunang expired at hindi maaayos ang pagkakaimbak at mahigit 20,000 dosage ng kaduda-dudang gamot, sa huling eskandalo na gumiyagis sa kaligtasan ng food at drug supply ng China.
Sa news release nitong Biyernes, sinabi ng mga imbestigador na binuksan nila ang 69 na magkakahiwalay na kaso at isang joint taskforce mula sa Public Security Ministry, Food and Drug Administration, at National Health and Family Planning Commission ang sumasala sa mga bakuna sa merkado at sinusundan ng distribution chains.
“The initial investigation and evidence collection has already produced partial progress and a portion of the suspects have already been sent for indictment,” nakasaad sa pahayag ng pulisya.