Pinangunahan nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto, at iba pang mga pari, ang isang banal na misa sa Manila City Jail (MCJ) kahapon kasabay nang paggunita ng Miyerkules Santo.

Sa naturang misa, binigyang-punto ng cardinal ang kahalagahan ng pag-aayuno sa Mahal na Araw.

Gayundin, sinabi niya na mahalaga rin ang pagninilay-nilay at pagbabalik-loob sa Panginoon.

Ayon kay MCJ warden Supt. Fermin Enriquez, sa “Oplan Ayuno” isang malaking karangalan na mapili ang MCJ sa pinagdausan ng misa lalo pa’t idinaraos ang Jubillee Year of Mercy.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Enrique, naka-red alert ang MCJ bukod pa sa koordinasyon ng Manila Police District, San Lazaro Fire Station, Hospitals, Bureau of Fire Protection at MCJ Female Dorm.

Kasama rin sa misa si Caritas President Fr. Anton Pascual, na siya ring pangulo ng church-run Radio Veritas.

Tig- 15 inmates lamang kada brigada ang pinayagang dumalo sa misa dahil na rin sa maliiit na espasyo ng chapel.

(MARY ANN SANTIAGO)