HUWEBES Santo na ngayon at nitong Martes nga ay nagulantang ang buong daigdig dahil sa dalawang pagsabog; isa sa Brussels (Belgium) airport at isa sa Maelbeek subway station, na ikinamatay ng 34 na katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga biktima dahil ayon sa Belgian media, may ilang sugatan na malala ang kalagayan.

Inako na ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) ang responsibilidad sa pangyayari na naganap ilang araw matapos madakip si Salah Abdeslam, pangunahing suspek sa November 13, 2015 Paris attacks, na ikinamatay ng 130 tao. Ito ay nangyari sa departure na nagpagbagsak sa bubungan ng lugar. Ang unang pagsabog ay sa excess baggage payment baggage counter at ang ikalawa ay malapit sa Starbucks cafe.

Nakapagtatakang ang mga kasapi ng ISIS ay pawang mga Muslim na sumisigaw pa ng papuri kay Allah (Diyos) tuwing gumagawa ng karahasan. Anong uri sila ng mga tao na ginagamit pa ang pangalan ni Allah gayong napapahamak dahil sa kanila ang kanilang mga kapwa-tao? Si Allah ay dakilang Diyos, mabait, mapagmahal, at ang aral ay pag-ibig, kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Talagang naiiba pa rin ang Kristiyanismo at Katolisismo. Sinusunod nila ang dakilang aral ni Kristo na magmahalan, magkasundo at iwaksi ang pag-aaway. Kaiba sa aral at paniniwala ng ibang relihiyon (mata sa mata, ngipin sa ngipin), ang relihiyong itinatag ni Kristo ay nababatay sa pag-ibig, gaya ng pakikipagbati sa kagalit, pagpapatawad sa nagkasala.

Itinuro ni Hesukristo ang “Pag binato ka, gantihan ng tinapay. Kapag sinampal, ibaling ang kabilang pisngi.” Sa huling pagtutuos, wala sa isip at puso ng Kristiyanismo ang kasamaan laban sa kapwa-tao. Ang kabutihan at kapayapaan ng kapwa-nilalang ang laging binibigyang-diin sa lahat ng gawain at aktuwasyon ng mga mananampalataya.

***

Patuloy sa pagdikit si Mayor Rodrigo Duterte kay Sen. Grace Poe. Sa huling presidentiable survey ng Pulse Asia, si Mang Digong ay “statistically tied” o kapantay na ni Pulot para maging susunod na pangulo ng bansa. Sa pambansang survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABS-CBN noong Marso 8-13 at ginamitan ng tinatawag na face-to-face interviews sa 4,000 rehistradong botante, si Grace ay nagtamo ng 26% at si Duerte ay 25%.

Sabi ng kaibigan kong palabiro-sarkastiiko: “Malapit nang magkaroon ng 2 First Lady ang ‘Pinas kapag si Mayor Digong ang naging pangulo.” Sabad naman ni senior-jogger: “Magrereserba raw siya ng 2 kuwarto sa Malacañang kasi 2 ang kanyang ginang.” Nosibalasi?

Dunggol naman ni Tata Berto: “Pero, kapag si Sen. Grace ang nanalo, ang magiging First Gentleman ay isang Amerikano (Neil Llamanzarez). Kung sa bagay, ang ‘Pinas naman at US ay matagal nang magkasama at magkaibigan noon pa.” Kung ganoon, sino kaya ang iboboto natin? (Bert de Guzman)