ANG tradisyunal na Visita Iglesia, maaari na ring gawin online!

 

Ito ay sa pamamagitan ng Virtual Visita Iglesia ng GMA Public Affairs tampok ang interactive video tour sa 16 na naggagandahang heritage churches sa Metro Manila, Pampanga, at Bulacan. Matatagpuan ang mga ito sa Facebook pages ng mga programa ng GMA Public Affairs.

 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At kung dati ay pictures lang ang gamit sa virtual tour, ngayon ay mas espesyal na spiritual experience ang naghihintay sa mga Facebook user sa pamamagitan ng 360-degree video technology.

 

Bahagi rin ng proyektong ito ang ilan sa mga respetadong GMA Public Affairs personalities tulad nina Jessica Soho, Vicky Morales, Arnold Clavio, Sandra Aguinaldo, at Kara David na magbibigay-tinig sa mga panalangin sa Stations of the Cross. 

Magsisimula ang Virtual Visita Iglesia ngayong Huwebes Santo, March 24, sa Facebook page ng GMA Public Affairs (www.fb.com/GMAPublicAffairs).