Mapagpakumbabang nagpasalamat si Sen. Grace Poe sa kanyang mga tagasuporta nang muli siyang mamayagpag sa huling survey ng Pulse Asia at ABS-CBN sa mga kandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.

Tiniyak din ni Poe na itotodo na niya ang pangangampanya upang lubusang maiparating sa mamamayan ang kanyang plataporma de gobyerno bago ang halalan.

“Once again, with humility and gratitude, we thank the Filipino people for getting us to the top of the latest Pulse Asia survey. We owe it to them for making their voices heard on their choice for the next president,” ayon kay Poe.

Ang survey ay isinagawa nitong Marso 8-13 na sinagutan ng 4,000 respondent mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“With about a month and a half remaining in the campaign period, there will be no letup in our efforts to get to the people to explain what Gobyernong May Puso can do for them,” ayon pa sa senadora.

Lumitaw sa huling survey ng Pulse Asia na bagamat “statistically tie” si Poe at si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay lamang pa rin ang senadora ng isang puntos sa alkalde.

Si Poe ay nakakakuha ng 26 na puntos habang si Duterte ay nakabuntot na may 25 puntos.

Pumangatlo si Vice President Jejomar Binay na may 22 porsiyento, kasunod si Liberal Party standard bearer Mar Roxas, na umani ng 20%, habang si Sen. Miriam Defensor Santiago ay mayroong katiting na tatlong porsiyento.

“The trust and support of our voting public continues to serve as inspiration to Senator Poe. She will remain focused and steadfast in pushing for her platform of governance that is anchored on ‘Gobyernong may Puso’,” ayon naman kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe sa usaping pulitikal. (HANNAH L. TORREGOZA)