Sinopla ng Court of Appeals (CA) ang kasong contempt na inihain ng sinibak na Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Bukod sa pagbasura sa contempt petition, ibinasura rin ng CA ang hiling ni Binay at ng iba pang opisyal ng Makati na balewalain ang inilabas na desisyon ng Ombudsman hinggil sa umano’y maanomalyang konstruksiyon ng Makati City Hall Building 2 na umabot sa P2.2 bilyon.

Sa desisyon na inilabas nitong Marso 9, inihayag ng CA: “The October 9, 2015 decision of the Ombudsman which found Binay, Jr. administratively liable and which imposed on him the penalty of dismissal, we find Binay Jr.’s petition questioning the March 10, 2015 preventive suspension order of the Ombudsman, to be already moot and academic.”

“The Ombudsman’s manifestation, which merely reflects her legal opinion, contains neither offensive nor derogatory language, and thus not contumacious,” iginiit ng CA.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Base sa rekomendasyon ng Special Panel of Investigators, inaprubahan ni Morales ang pagsuspinde kay Binay at sa 20 iba pang opisyal ng Makati bunsod ng kasong administratibo na kanilang kinahaharap.

Marso 11, 2015 nang naghain ng petisyon si Binay sa CA na bumabatikos sa kautusan ng Ombudsman upang siya ay isailalim sa preventive suspension. (Jun Ramirez)