Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

(Game 1 of Best-of-3 Semis)

2 n.h. -- Phoenix-FEU vs Caida Tile

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4 n.h. – Café France vs Tanduay

Bakbakang umaatikabo ang inaasahang masasaksihan sa pagsiklab ng Final.

Tatangkain ng reigning Foundation Cup champ Café France na bawian ang tanging koponan na tumalo sa kanila sa elimination sa pakikipagharap sa Tanduay sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal duel ganap na 4:00 ng hapon.

“It will be a very good motivation for us to fight nang husto dahil sila lang nakatalo sa amin,” ayon kay coach Egay Macaraya.

Ginulat ng Rhum Masters ang Bakers, 79-74 noong nakaraang Pebrero 22, para mabahiran ang noo’y malinis na record.

Kumpiyansa si coach Lawrence Chongson na magagawa nilang maulit ang tagumpay sa Bakers.

“You throw stuffs out of the window. Café France, nakapag-champion na ‘yan. They are backstopped by an import na matagal na sa liga at mas matagal pa sa ibang locals, so we’ll have our hands full,” ani Chongson na pinaghahandaan ang matinding hamon na haharapin nila kay Bakers’ Congolese big man Rod Ebondo.

Sa isa pang semi-final match, magtutuos naman ang Caida Tile at Phoenix-FEU sa 2:00 ng hapon.

Nauna nang ginapi ng Tile Masters ang Accelerators, 108-91, noong Pebrero 15 sa kabila ng record 41- puntos na produksiyon ni Mac Belo.

Ngunit, hindi gustong magkampante ni coach Caloy Garcia.

“In the semis, we can’t afford to be relaxed and complacent on our defense,” ani Garcia.