Ni REGGEE BONOAN
"MAUUBOS ang pasensiya namin sa batang (bagitong aktor) ito!” sabi sa amin ng TV executive ng isang game show sa isang network.
Mahirap daw makaintindi at may attitude ang bagitong aktor na maging nu’ng una pa lang naming mainterbyu ay napansin agad namin na parang napilitan lang mag-showbiz. Madali nga namang kumita rito at higit sa lahat, parang nainggit siya sa kapatid niya na milyones na ang kinikita at sikat na rin kahit paano.
Kaya nu’ng tanungin namin siya kung ano ang talent niya at kung ano ang puwede niyang gawin para sa sinalihang show, ang tagal bago nakasagot at inaming wala siyang talent. Magwo-workshop pa raw siya.
Susme, wala pa pala siyang alam, e, bakit ipina-interview na sa entertainment press? Dahil kapatid siya ng sumisikat na aktor, passes na ba ‘yun?
At heto na nga, mismong TV executive na ang nagkukuwento.
“Sakit sa ulo, ‘pag tatawagin mo, hindi kaagad lalapit o kasi hindi niya naririnig kasi laging may nakasaksak sa tenga. Sinabihan naman sila before the show na standby, makikinig, eh, wala, ayaw sumunod, hindi niya masakyan ang showbiz, parang naiinip siyang maghintay. At late pa, ‘yun ang nakakaloka, late na nga, wala pang alam!” litanya ng exec.
Nagtanong kami sa kausap namin kung sino ang manager ng bagitong aktor, at nu’ng banggitin sa amin ay hindi na lang kami kumibo, kasi malakas sa management. Pero sana naman bago isalang ang talent ay hasain munang mabuti para hindi nakakadagdag sa stress sa production.
Samantala, may napansin din ang ilang katoto napansin sa bagitong aktor.
“Malabnaw,” sabi nila, “tingnan natin in the future, kasi halos ganyan din naman ang kapatid niya noon.”
Sabagay, give him a chance, di ba, Bossing DMB?
(Sana may passion sa trabaho, makikita ‘yan sa lahat ng baguhan na gustong magtagal sa industriya. --DMB)