WASHINGTON (AP) – Ino-nominate ni US President Barack Obama ang unang babaeng mamumuno sa isang U.S. military combatant command, kinumpirma ni Defense Secretary Ash Carter nitong Biyernes.

Nominado si Air Force Gen. Lori Robinson na pamunuan ang U.S. Northern Command at ang North American Aerospace Defense Command. Kapag kinumpirma ng Senado, si Robinson ang ikapitong commander na mamumuno sa Colorado-based command. Siya ang kasalukuyang pinuno ng Pacific Air Force.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'