Hinikayat ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na makiisa sa kampanya ng Simbahan laban sa operasyon ng mga casino sa Pilipinas.

Ito ang apela ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo kasunod ng pagputok ng kontrobersiya sa money laundering sa pagpupuslit ng $81 million na ninakaw mula sa Bangladesh Central Bank, idineposito sa isang bangko sa Pilipinas, bago tuluyang inilipat sa mga casino.

Ayon kay Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on the Laity, dapat na umiwas ang bawat isa sa pagsusugal, na maaaring makasira sa pamilya, moral values at maging sa komunidad.

“Adbokasiya nating lahat ang labanan ang casino, nakakasira sa pamilya, sa moral values at ginagamit para maipasok at mailabas ang kanilang pera. Ang Simbahan, tayo ang mga tumututol kapag nagbubukas ang mga casino. S.O.P. na, kasi kapag may malaking hotel, may casino na. Dapat nating tutulan, kailangan na maingay ang mga lay faithful natin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dapat i-monitor ang mga ginagawa ng mga casino,” sinabi ni Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Binatikos din ng obispo ang nangyaring bank heist dahil ang mahihirap na mamamayan ng Bangladesh ang direktang ninakawan at magdurusa rito. (Mary Ann Santiago)