Korina at ang seksi summer bodies copy

PINAKUNAN nina Zeus Collins at Sarah Lahbati ang kanilang regular na workout routines kay Korina Sanchez-Roxas para sa katatapos lamang na espesyal na summer episode na Rated K. Tuwang-tuwa ang misis ni Mar Roxas sa eksklusibong tips na ibinigay nina Zeus at Sarah na swak na swak ngayong summer season dahil usung-uso ang pagrampa ng mga Pinoy sa iba’t ibang beaches ng bansa.

Enjoy si Koring sa pakikipagkulitan kasama ang sexy summer bodies.

“Grabe ang dedikasyon nina Zeus at Sarah sa kanilang mga workout routines,” kuwento ni Koring. “Nakaka-inspire sila kasi talagang nahahanapan nila ng oras ang pagpunta sa gym sa kabila ng kanilang busy schedules.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Isa si Zeus sa mga bagong tinitilian sa ABS-CBN simula nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya at maging isa sa mga miyembro ng sikat na sikat na grupong Hashtag na lumalabas araw-araw sa It’s Showtime.

Dancer si Zeus kaya pagsasayaw ang isa activites na regular niyang ginagawa upang panatilihing maganda ang kanyang pangangatawan.

Mabilis namang naibalik ni Sarah ang kanyang sexy figure pagkatapos ipanganak ang panganay nila ni Richard Guttierez na si Zion. Circuit training, weight lifting, at cardio exercises ang pinagkakaabalahan ni Sarah sa gym na tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo niyang ginagawa.

“Perfect para sa mommies ang routine ni Sarah dahil oras lang talaga ang puhunan para bumalik ang alindog ng mga nanay lalo kung kakapanganak lang nila. Parang walang anak si Sarah at sobra siyang nakakainspire,” sabi ni Korina.

Ayon kina Zeus at Sarah, importante rin ang tamang diet at wastong tulog upang ma-achieve ang perfect summer body.

“Kaya wala akong dahilan para hindi maging fit at healthy kahit gaano ako ka-busy sa trabaho. Disiplina at commitment lang naman ang kailangan para lagi tayong mabyuti,” sabi ng beteranang broadcast journalist.

(Ador Saluta)