jake at sarah grace copy

SA presscon ng bagong iniendorsong produktong Guitar Underwear sa Cities Events Place, ipinahayag ni Jake Cuenca na nakatakda siyang umalis ng Pilipinas ngayong linggo. Pinayagan naman daw siya ng ABS-CBN at sinigurado niya sa network na babalik siya sa April 21 para sa sisimulang bagong assignment.

Sa mahigit na isang buwang bakasyon sa America, hindi pa matiyak ni Jake kung magkakaroon sila ng pagkakataon ng kanyang dating kasintahang si Sarah Grace Kelly para magkita.

“Hindi ko pa talaga alam. Sana nga. Basta all I can do is hope for best, pero wala pang concrete na magkikita kami,” banggit pa ni Jake.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Dagdag pa ni Jake, kahit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ay napanatili nilang ang pagiging magkaibigan.

“For now, I have to respect her decisions. Hindi ko kayang pilitin ‘yun. She’s 20 years old. Hindi ko kayang ipilit ‘yung ganitong klaseng buhay sa kanya. Naintindihan ko naman ‘yung side niya kasi, nu’ng 20 pa lang ako, eh, it was really career at hindi naman ako mapilit na tao,” sey pa ng hunk actor.

Ang magagawa lang daw ni Jake sa ngayon ay ipagdasal ang dating kasintahan na hanggang ngayon ay mahal pa rin niya.

“Sana, at one point in life, magkita kami ulit at magsama ulit. To be honest all I can do right now is hope,” seryosong lahad ng actor.

Aminado si Jake na hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-move on. Nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap sa nangyari sa kanila ng dating kasintahan. Nasaktan siya nang husto sa nangyari.

“I’m really hurt and I wish I could’ve worked on it a little bit more. Malayo lang kami sa isa’t isa, eh. But she’s the one to me and kung hindi man kami magkabalikan she’ll always be here, kasi to me that was the best relationship I’ve ever had,” pag-amin pa ng alaga ni kaibigang Niel de Guia.

“I’m cherishing that relationship, parang that was really the best that I had and sana someday we can meet halfway and continue on with the relationship but so far right now we have to do what’s the best for each other,” banggit pa rin ng actor.

Samantala, happy si Jake dahil sa pagiging newest endorser ng Guitar Underwear na binigyan daw siya ng pagkakataon na makapag-contribute ng mga ideya sa latest trends sa fashion and style. (JIMI ESCALA)